Nitong Miyerkules, ating pinag-isang dibdib ang limang magkasintahan sa isang simpleng seremonya na ginanap sa ating tanggapan, kasama bilang mga ninang at ninong sina Councilor Allaine Ramos at Bunny Bautista.
Sa ating mensahe para sa mga bagong kasal, binigyang-diin natin ang kahalagahan ng pagmamahal at paggalang sa kanilang mga magulang, pananatili ng kababaang-loob sa kabila ng anumang tagumpay, at pagpapanatili ng mabuting pangalan at respeto para sa kanilang pamilya.
Nawaβy magsilbi itong paalala na ang tunay na tagumpay sa buhay ay hindi lamang nasusukat sa yaman, kundi sa marangal at malinis na pamumuhay na may pagmamahalan, respeto, at malasakit sa kapwa.
Muli, taos-puso nating binabati ang ating limang bagong mag-asawa at hangad natin ang isang masaya, matatag, at mapagpalang pagsasama.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico