Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

𝐋𝐀𝐒𝐓 𝐂𝐀𝐋𝐋! | π‚πŽπ‹π‹π„π†π„ π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽππ€π‹ π€π’π’πˆπ’π“π€ππ‚π„ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ πŸ“š

November 3, 2026
Dahil sa kahilingan ng ating mga kabataang Mexicano, bubuksang muli para sa LAHAT NG CLUSTERS ang submission para sa College Educational Assistance Program ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico!
Hinihikayat ang mga estudyanteng hindi pa nakapag-submit ng kanilang aplikasyon mula sa lahat ng clusters na samantalahin ang huling pagkakataong ito upang makapagpasa ng kanilang mga requirements para sa programa.
πŸ“… November 5, 2026 (Thursday)
⏰ 1:00 PM–5:00 PM (STRICT CUTOFF)
πŸ“ Municipal Conference Room, 2nd Floor, Municipal Hall Building
MAHALAGANG PAALALA:
β€’ Para lamang sa mga kwalipikadong college students na residente ng Bayan ng Mexico.
β€’ Isang aplikasyon lamang ang maaaring i-submit ng bawat mag-aaral.
β€’ Hindi maaaring mag-apply ang mga SPES beneficiaries ng Municipality of Mexico.
β€’ Hanggang dalawang (2) mag-aaral lamang mula sa isang pamilya ang maaaring mag-apply.
β€’ Tiyaking kumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento bago mag-submit.
Mahigpit na ipatutupad ang 5:00 PM cutoff. Hinihikayat ang lahat na dumating nang maaga upang maiwasan ang abala.
Ang programang ito ay patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pangunguna ni Mayor Rodencio β€œRuding” S. Gonzales, kasama si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, bilang pagpapahalaga sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataang Mexicano.
Huling pagkakataon na ito kaya huwag na ninyong palampasin!
Skip to content