πππππβπ ππππππ
Ngayong Lunes, June 1, 2026, personal na hinarap at pinakinggan ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales ang mga Mexicanong lumapit sa kanyang tanggapan dala ang ibaβt ibang usapin at pangangailangan.
Sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at maagap na pagtugon, nabigyan ng kaukulang gabay, aksyon, at mga posibleng solusyon ang mga suliraning inilahad ng kanyang mga kababayan.
Patunay ito ng isang pamahalaang may puso, malasakit at tunay na nakikinig sa tinig ng mamamayan. Sa bawat konsultasyon at pag-uusap, ipinapakita ni Mayor Ruding ang kanyang dedikasyon na maging kaagapay ng bawat Mexicano sa paghahanap ng mga konkretong tugon sa kanilang mga pangangailangan.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na isinusulong ang isang Bayung Mexico na may malasakit, pagkakaisa, at serbisyong tapat na nararamdaman ng bawat Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1Cj8L1qpPY/
Latest Stories
LIVE GAME 1 TO 4 | Another night of exciting U19 basketball is here! Three matchups are on the slate, with six teams ready to compete, make their mark, and battle until the final buzzer. The road continues, and every game brings a new opportunity to shine.







