ππππ’π‘π π¦π πππππ₯π£ππ₯π¦π’π‘ π‘π ππ₯ππ¬. ππππ‘, π£π’π₯π ππ π‘ππ‘π π‘ππ‘π¨π π£π
Pormal nang nanumpa sa tungkulin si John Andrew R. Cunanan bilang bagong talagang Sangguniang Kabataan Chairperson ng Barangay Eden sa harap mismo ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales.
Ang kanyang pag-upo bilang SK Chairperson ay alinsunod sa umiiral na SK Reform Act of 2015 o R.A. 10742, bilang bahagi ng maayos at tuloy-tuloy na transisyon ng liderato sa hanay ng kabataan.
Saksi sa nasabing panunumpa sina MLGOO Consesa Novio at Punong Barangay Arnold D. Cunanan bilang pagpapakita ng suporta sa bagong pamunuan ng Sangguniang Kabataan sa barangay.
Patuloy namang binibigyang-diin ni Mayor Ruding ang kahalagahan ng responsableng pamumuno at aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad. Sa ilalim ng kanyang administrasyon, nananatiling bukas ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang makatutulong sa paghubog ng mas may kakayahan at mas maaasahang kabataan ng Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
Click Here! https://www.facebook.com/share/p/1BEc1d5VYM/
Latest Stories