Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—•π—”π—Ÿπ—”π—¦, π—‘π—”π—šπ—žπ—”π—₯𝗒𝗒𝗑 π—‘π—š π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—šπ—”π—₯π—•π—”π—šπ—˜ 𝗧π—₯π—¨π—–π—ž; 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—•π—¨π—˜π—‘π—”π—©π—œπ—¦π—§π—”, π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ 𝗑𝗔𝗠𝗔𝗑 π—‘π—š π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—”π— π—•π—¨π—Ÿπ—”π—‘π—¦π—¬π—”

July 17, 2026

Mas pinalakas pa ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang mga serbisyong pangkalinisan at pangkalusugan sa mga barangay matapos personal na ihatid ni Municipal Mayor Rodencio β€œRuding” S. Gonzales ang isang bagong garbage truck sa Barangay Balas at isang ganap na kagamitang ambulansya sa Barangay Buenavista ngayong Huwebes, July 16, 2026.
Kasama ni Mayor Ruding sa turnover si Councilor Engr. Tristar Sotto. Mainit na tinanggap nina Kap. Ronnie Manaloto ng Barangay Balas at Kap. Eller Dela Cruz ng Barangay Buenavista, kasama ang kani-kanilang mga council, ang mga bagong sasakyan at nagpahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico.
Ang garbage truck ay magsisilbing malaking tulong sa mas maayos at episyenteng pamamahala ng basura sa Barangay Balas, habang ang ambulansya para sa Barangay Buenavista ay kumpleto sa mahahalagang kagamitang medikal tulad ng mga gamot, first aid kits, fire extinguisher, stretcher, at oxygen tank upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang emergency.
Ang mga sasakyang ito ay nabili sa pamamagitan ng 20% Development Fund ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico para sa taong 2025, sa suporta ng buong Sangguniang Bayan ng Mexico sa pamumuno ni Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan.
Sa pangunguna ni Mayor Ruding Gonzales, katuwang si Vice Mayor Doc Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, patuloy na naihahatid ang mga proyektong nagbibigay ng direkta at pangmatagalang benepisyo sa bawat barangay at sa bawat Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico

CLick Here:https://www.facebook.com/share/p/1GHLfx1Vbq/

Skip to content