Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

๐—–๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—Ÿ ๐—ช๐—˜๐——๐——๐—œ๐—ก๐—š | ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

July 8, 2026

Opisyal nang nagsimula ng panibagong yugto ng kanilang buhay ang dalawang magkasintahan matapos silang pag-isahin sa kasal ni Municipal Mayor Rodencio โ€œRudingโ€ S. Gonzales sa kanyang tanggapan ngayong Miyerkules.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding na ang matatag na pagsasama ay hindi lamang nakabatay sa pagmamahal kundi higit sa lahat sa respeto at kababaang-loob. Aniya, ang kakayahang magpakumbaba at magbigay-galang sa asawa ang susi upang mapanatili ang matibay at masayang pagsasama sa kabila ng mga pagsubok.
Ipinaalala rin ng alkalde sa bagong kasal na ilagay ang Diyos sa sentro ng kanilang buhay at pamilya, sapagkat sa Kanya nagmumula ang gabay, karunungan, at lakas upang mapanatiling matatag ang kanilang pagsasama sa paglipas ng panahon.
#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/187UrjcH83/

Skip to content