πππππͺππ‘π ππππ’π‘π ππ ππ¨πππ‘π¦π¬π, ππ£ππ‘ππππππ’π’π π¦π πππ₯ππ‘πππ¬ πππ π¨π‘ππ‘π ππ§ π¦ππ‘ ππ’π¦π π ππππ‘π’
July 10, 2026
Sa patuloy na pagtutulungan nina Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, kasama ang buong Sangguniang Bayan, personal na ipinagkaloob ang dalawang bagong ambulansya para sa Barangay Camuning at Barangay San Jose Malino bilang pagpapatuloy ng paghahatid ng mga ambulansya sa ibaβt ibang barangay ng Bayan ng Mexico.
Ang mga naturang ambulansya ay pinondohan sa ilalim ng 20% Development Fund ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico para sa taong 2025, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan at emergency response ng bayan.
Hindi kailanman ginamit bilang pangako sa kampanya ang mga ambulansyang ito. Sa halip, isinakatuparan ang proyektong ito sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano at paggamit ng pondo ng bayan, bilang patunay ng patuloy na pagtupad ng administrasyon ni Mayor Ruding Gonzales sa mga programang may tunay na pakinabang para sa mga Mexicano.
Hindi lamang mga sasakyan ang ipinagkaloob, kundi kumpletong emergency response units na may kasamang mga gamot, first aid kits, fire extinguisher, stretcher, at oxygen tank upang matiyak na handa ang bawat ambulansya sa agarang pagtugon sa ibaβt ibang uri ng emergency.
Kasama rin ni Mayor Ruding sa turnover sina Councilor Allaine Ramos at Councilor Vince Balajadia, na patuloy na katuwang sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mailapit ang mahahalagang serbisyo sa bawat barangay.
Sa pamamagitan ng mga bagong ambulansyang ito, higit na mapapalakas ang kakayahan ng Barangay Camuning at Barangay San Jose Malino na makapagbigay ng mabilis, maaasahan, at ligtas na serbisyong medikal sa oras ng pangangailangan.
Patuloy na isinusulong ng administrasyon ni Mayor Ruding Gonzales ang mga proyektong nagpapalakas sa serbisyong pangkalusugan at naglalapit ng dekalidad na serbisyo sa bawat barangay.
#RSGCares
#BayungMexico
Latest Stories
#ALANGKLASI
28 August 2026