Mahigit 170 Mexicanos ang nakatanggap ng financial assistance payout ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales, bilang tulong sa kanilang medikal na pangangailangan at burial na gastusin.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng malasakit at serbisyong may puso ng Pamahalaang Bayan ng Mexico para sa mga Mexicanos na higit na nangangailangan.
Sa pangunguna ni Mayor Ruding Gonzales at sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor Doc Pangan, patuloy na isinasakatuparan ng lokal na pamahalaan ang mga programang nagbibigay ng kongkretong tulong, kaginhawaan, at pag-asa sa bawat pamilyang Mexicano.
Paalala rin sa publiko na ang pagsumite ng aplikasyon para sa financial assistance ay hanggang ngayong buwan na lamang, at muli itong magbubukas sa first quarter ng susunod na taon.

CLICK HERE:
https://www.facebook.com/share/p/1JyDn2Xs5N/