πππ‘ππ π£ππ‘ππππ’βππ¨π‘ππ π¦ππ₯πππ¦π¬π’π‘π π‘ππ₯ππ₯ππ πππ ππ‘.
Personal na inihatid ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales ang mga bagong ambulansya ng Barangay Santo Rosario, Barangay San Pablo, at Barangay Santo Domingo na kanilang hiniling sa ilalim ng 20% Development Fund ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico para sa taong 2025.
Kasama ni Mayor Ruding sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, Councilor Vince Balajadia, Councilor Allaine Ramos, at Councilor Engr. Tristar Sotto, bilang patunay ng matatag na pagkakaisa ng Ehekutibo at ng Sangguniang Bayan sa paghahatid ng mga proyektong may direktang pakinabang sa bawat Mexicano.
Matatandaang nang maupo si Mayor Ruding bilang alkalde noong 2023, pantay-pantay niyang ipinamahagi ang 20% Development Fund ng Lokal na Pamahalaan sa lahat ng 43 barangay ng Bayan ng Mexico, patunay ng kanyang paninindigan na walang barangay ang dapat mapag-iwanan sa pag-unlad at paghahatid ng dekalidad na serbisyo.
Ang bawat ambulansyang ito ay higit pa sa isang sasakyan. Ito ay sagisag ng isang pamahalaang handang umagapay sa oras ng pangangailangan, mabilis tumugon sa oras ng sakuna, at inuuna ang buhay at kapakanan ng bawat Mexicano.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding Gonzales, ang serbisyo ay hindi lamang ipinapangako, ito ay personal na inihahatid, patas na ipinagkakaloob, at araw-araw na nararamdaman ng bawat Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE:Β https://www.facebook.com/share/p/1DEEkoaGvt/
Latest Stories