Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

π—œπ—₯π—₯π—œπ—šπ—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗔𝗑𝗗 π—”π—šπ—₯π—œπ—–π—¨π—Ÿπ—§π—¨π—₯π—”π—Ÿ 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗒π—₯𝗧

June 2, 2026

Barangay San Miguel
Patuloy ang pagsusulong ni Municipal Mayor Rodencio β€œRuding” S. Gonzales ng mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura sa bayan. Bilang bahagi ng kanyang inisyatiba para sa kapakanan ng ating mga magsasaka, isinagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig sa Barangay San Miguel upang matiyak ang maayos na suplay ng tubig na kailangan sa mga sakahan.
Sa pamamagitan ng paggamit ng heavy equipment ng lokal na pamahalaan, inalis ang mga naipong basura, putik, damo, at iba pang sagabal sa mga daluyan ng tubig. Layunin nitong mapabuti ang irigasyon, mapanatili ang sapat na suplay ng tubig sa mga taniman, at makatulong sa pagkamit ng mas masagana at de-kalidad na ani ng ating mga magsasaka.
Patunay ito ng patuloy na malasakit at suporta ng administrasyon ni Mayor Ruding sa mga mamamayang umaasa sa agrikultura bilang pangunahing kabuhayan. Sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang na ito, higit na napapalakas ang produksyon sa agrikultura at natutulungan ang ating mga magsasaka na mapataas ang kanilang kita at ani.
Naniniwala si Mayor Ruding na ang pag-unlad ng bayan ay nagsisimula sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura, kaya naman patuloy ang pagpapatupad ng mga programang nagbibigay ng pangmatagalang benepisyo para sa ating mga magsasaka at kanilang pamilya.

#RSGCares

#SerbisyungAtinPusu

#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CTjCd9bdr/

Skip to content