Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 🤝💙

August 31, 2026
Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at pagbaha, taos-puso po tayong nagpapasalamat sa lahat ng indibidwal, grupo at organisasyong naglaan ng oras, pagkain at iba pang tulong para sa ating mga kababayang nasa evacuation centers.
Kahapon, August 30, 2026 (Linggo):
• Hot meals mula kay Vice Mayor Doc Pangan and Councilor Atty. Angela Pangan
• Bread, canned sardines/corned beef at juice mula kay Former Councilor Allan Onofre
• Hot meals o sopas mula kay Councilor Trina Dizon-Guevarra
• Loaf bread mula sa mga religious groups
• Food packs at sandwiches mula sa Favor Drops, sa pangunguna nina Hazel Dimacje at Dheng Tapnio ng Brgy. Gandus
• Jollibee Yumburgers mula sa isang nagpaabot ng tulong na nais manatiling anonymous
Ngayong August 31, 2026 (Lunes):
• Food packs mula kay Ma’am Aiza Pinto
• Jollibee meals mula kay Katrina Aquino
Maraming salamat po sa inyong malasakit at pagiging katuwang namin sa pag-aalaga sa ating mga kababayang nangangailangan. Malaking bagay po ang bawat pagkain at tulong na inyong ipinagkakaloob, lalo na sa panahon ng ganitong pagsubok.
Samantala, ang mga evacuees na pansamantalang nananatili sa Mexico Mini Convention Center ay inililipat na sa Barangay San Carlos Covered Court at Mexico National High School upang mas maayos nating matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Sa lahat po ng nais pang magpaabot ng donasyon para sa ating mga evacuees, mangyaring makipag-ugnayan at makipag-coordinate sa MSWDO upang maayos na maitala, maipamahagi at matugunan ang mga pangangailangan sa ating mga evacuation centers.
Maraming salamat po sa inyong malasakit. Sa panahon ng pagsubok, sama-sama nating ipinapakita na walang Mexicano ang maiiwan. 💙

No Images found.

Skip to content