π ππ§πππ¨π π£ππ¬ π‘π π‘ππ§ππ£π’π¦ ππ‘π π£πππππππ‘ππ¦ ππ§ π£πππ£ππ£ππππππ π‘π π¦ππ£π π¦π πππ₯ππ‘πππ¬ π¦ππ‘ π£ππ§π₯ππππ’
Matagumpay nang natapos ang dalawang linggong tuloy-tuloy na paglilinis at pagpapalalim ng sapa sa Barangay San Patricio, isang mahalagang proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa ilalim ng pamumuno nina Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, katuwang ang buong Sangguniang Bayan.
Isinagawa ang proyektong ito upang mapabuti ang daluyan ng tubig, mabawasan ang panganib ng pagbaha, at matiyak ang maayos na irigasyon para sa mga sakahan, isang malaking tulong sa ating mga magsasaka, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Lubos ang pasasalamat ng mga magsasaka sa Barangay San Patricio kay Mayor Ruding dahil ayon sa kanila, ngayon lamang nalinis at napalalim ang naturang sapa matapos ang mahabang panahon. Dahil dito, mas magiging maayos ang pagdaloy ng tubig at mas mapoprotektahan ang kanilang mga pananim at kabuhayan.
Patunay ang proyektong ito sa patuloy na pagtugon ng administrasyon ni Mayor Ruding sa mga pangangailangan ng bawat barangay sa pamamagitan ng mga konkretong proyektong may pangmatagalang pakinabang para sa mga Mexicano.
Mas maayos na daluyan ng tubig, mas protektadong sakahan, at mas maunlad na Bayung Mexico.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLick Here:https://www.facebook.com/share/p/1EXmDmwJ43/
Latest Stories