π ππ¬π’π₯ π₯π¨πππ‘π ππ§ π©πππ π ππ¬π’π₯ ππ’π π£ππ‘πππ‘, ππ‘π¨π¨π‘π ππ‘π π πππ¬π’π¦ ππ§ π ππππ§ππ₯π¨π‘πππ‘π π£πππππ ππ§ π‘π π£π’π‘ππ’ π‘π πππ¬ππ‘
Sa pangunguna nina Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales at Municipal Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, muling naipamahagi ang financial assistance sa ilalim ng programa ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico, kung saan 224 na Mexicano ang tumanggap ng tulong para sa kanilang medical at burial expenses.
Ang programang ito ay pinopondohan ng pondo ng bayan at bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maibalik sa mga Mexicano ang serbisyong nararapat nilang matanggap mula sa kanilang ibinabayad na buwis.
Nakiisa rin sa payout sina Councilor Vince Balajadia at Councilor Allaine Ramos. Pinangasiwaan naman ng Municipal Treasurerβs Office, katuwang ang mga kawani ng Office of the Municipal Mayor, ang maayos na distribusyon ng tulong.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding na ang bawat pisong mula sa kaban ng bayan ay dapat mapakinabangan ng mga Mexicano sa pamamagitan ng mga programang may direktang epekto sa kanilang buhay. Aniya, sa pakikipagtulungan ni Vice Mayor Doc Pangan at ng buong Sangguniang Bayan, patuloy na titiyakin ng lokal na pamahalaan na ang pondo ng taumbayan ay nagagamit nang responsable, tapat, at para sa kapakanan ng bawat Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico
Latest Stories