Matagumpay nang natapos ang proyekto para sa mas maayos na daloy ng patubig sa mga sakahan sa Barangay San Jose Matulid sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa ilalim ng liderato ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas mapapadali ang suplay ng tubig na mahalaga sa patuloy na produksyon at masaganang ani ng mga magsasaka sa lugar.
Patuloy ang pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Ruding na maghatid ng mga proyektong direktang pakikinabangan ng mga komunidad, lalo na sa sektor ng agrikultura na isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming Mexicano.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico