π£ππ§π¨ππ’π¬ ππ‘π π£πππππππ§ππ π‘π π ππ ππππ’π‘π ππ ππ¨πππ‘π¦π¬π π¦π π ππ πππ₯ππ‘πππ¬ π‘π π ππ«πππ’
Bilang pagpapatuloy ng paghahatid ng mga ambulansya sa mga barangay ng Bayan ng Mexico, personal na inihatid ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales ang mga bagong ambulansya ng Barangay San Miguel at Barangay San Vicente na ipinagkaloob sa ilalim ng 20% Development Fund ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico para sa taong 2025.
Kasama ni Mayor Ruding sa turnover sina Councilor Engr. Tristar Sotto at Councilor Vince Balajadia, na patuloy na katuwang sa pagsasakatuparan ng mga programang naglalayong mapalapit ang mga pangunahing serbisyo sa bawat barangay, kasama si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang buong Sangguniang Bayan.
Sa pamamagitan ng mga bagong ambulansyang ito, higit na mapapalakas ang kakayahan ng mga barangay na makapagbigay ng agarang responde sa mga medical emergency at iba pang sitwasyong nangangailangan ng mabilis na pag-aksyon, para sa kapakinabangan ng bawat Mexicano.
Patuloy na pinatutunayan ng administrasyon ni Mayor Ruding Gonzales kasama ang buong Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doc Pangan, ang kanilang sama-samang pagtutok sa mga proyektong may konkretong pakinabang sa mga Mexicano. Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, patuloy na naihahatid ang mga serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng bawat barangay at ng buong bayan.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Cx6YrD8Qj/