Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

𝗀𝗨𝗔π—₯π—§π—˜π—₯π—Ÿπ—¬ π—¦π—¨π—£π—£π—Ÿπ—¬ π—‘π—š π— π—šπ—” π—šπ—”π— π—’π—§, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ 𝗦𝗔 π—”π—‘π—œπ—  𝗑𝗔 π—₯𝗨π—₯π—”π—Ÿ π—›π—˜π—”π—Ÿπ—§π—› π—¨π—‘π—œπ—§π—¦ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π— π—˜π—«π—œπ—–π—’

July 8, 2026

No Images found.


Personal na ininspeksyon at ipinamahagi ni Municipal Mayor Rodencio β€œRuding” S. Gonzales ang quarterly supply ng mga gamot para sa anim (6) na Rural Health Units (RHU) ng Bayan ng Mexico. Kasama niya sa aktibidad si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, habang personal namang tinanggap ng mga Rural Health Physicians mula RHU 1 hanggang RHU 6, kasama ang kanilang mga staff, ang mga kinakailangang suplay. Nakiisa rin ang Barangay Council ng Barangay Pandacaqui sa isinagawang pamamahagi ng mga gamot sa kanilang barangay sa pangunguna ni Kap. Romeo Timbol.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, nananatiling pangunahing prayoridad ang pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa buong bayan. Sa pamamagitan ng sapat at napapanahong suplay ng mga gamot sa bawat RHU, masisiguro ang tuloy-tuloy, dekalidad, at abot-kamay na serbisyong medikal para sa bawat Mexicano. Isa itong patunay na ang serbisyong may puso at malasakit ay hindi lamang pangako, kundi patuloy na isinasakatuparan ng kanyang administrasyon.
#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1GxLDfHFaP/

Skip to content