Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗑𝗔 π—§π—¨π—•π—œπ—š, 𝗠𝗔𝗦 π— π—”π—¦π—”π—šπ—”π—‘π—”π—‘π—š π—”π—‘π—œ

June 3, 2026

𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗑𝗔 π—§π—¨π—•π—œπ—š, 𝗠𝗔𝗦 π— π—”π—¦π—”π—šπ—”π—‘π—”π—‘π—š π—”π—‘π—œ | πŸŒΎπŸ’§

πŸ“ Barangay Balas

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico na mapalakas ang produksyon sa agrikultura, isinagawa ang paglilinis at pagsasaayos ng mga irrigation canal sa Barangay Balas sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio β€œRuding” S. Gonzales.

Sa tulong ng mga kagamitan ng pamahalaang bayan, naalis ang mga bara, basura, at naipong putik sa mga daluyan ng tubig upang mapanatili ang maayos na pagdaloy nito patungo sa mga sakahan. Mahalaga ang gawaing ito upang matiyak na may sapat na suplay ng tubig ang mga pananim, lalo na sa panahon ng pagtatanim at paglaki ng mga ito.

Patuloy na isinusulong ng administrasyon ni Mayor Ruding ang mga programang may direktang pakinabang sa ating mga magsasaka bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpapatatag ng seguridad sa pagkain ng bayan.

Sa pamamagitan ng mga ganitong hakbang, higit na napapalakas ang suporta sa sektor ng agrikultura at nabibigyan ng mas magandang oportunidad ang ating mga magsasaka tungo sa mas produktibo at masaganang ani.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1XcHMqRqqq/

Skip to content