π§π¨ππ’π¬-π§π¨ππ’π¬ ππ‘π π¦ππ₯πππ¦π¬π’ π£ππ₯π π¦π ππ§ππ‘π π ππ π¦ππ‘ππ’π₯ πππ§ππππ‘π¦
Mahigit 1,280 na mga senior citizen na mga Mexicanos ang tumanggap ngayong araw ng PHP 3,000 na quarterly payout para sa second quarter ng taon sa ilalim ng programang Social Pension of Senior Citizens ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region III.
Pinangunahan mismo ni Municipal Mayor Rodencio βRudingβ S. Gonzales ang payout kasama sina Councilor Ar. Ariel Bonus at Councilor Ludet Sicat upang masiguro ang maayos, mabilis, at organisadong pamamahagi ng tulong para sa mga benepisyaryo.
Naisagawa nang maayos ang payout sa tulong ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna nina Mr. Fernando Vital at MSWD Officer Sharmaine Pabustan-Sigua, katuwang ang Municipal Treasurerβs Office sa pamumuno ni Acting Municipal Treasurer Rona Bianca Sarmiento.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Ruding ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng mga senior citizen bilang pundasyon ng matatag na pamilya at komunidad.
βIng kekayu pung katawan, sesen yu pu uling kailangan da ko pa reng pamilya yu.β ani Mayor Ruding.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang alkalde sa DSWD Region III sa pangunguna ni Regional Director Venus Rebuldela para sa patuloy na suporta at programang direktang nakatutulong sa mga senior citizen.
Ipinapakita ng programang ito ang tuloy-tuloy na malasakit ng lokal na pamahalaan sa kapakanan ng mga Mexicanos, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding katuwang si Vice Mayor Doc Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, isang lideratong nakatuon sa agarang serbisyo, inklusibong pag-unlad, at tunay na pag-aaruga sa mga nakatatanda.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1EfDJCnvmw/
Latest Stories