Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

๐ŸŒพ Re-Payout ng PAFFP Assistance, Matagumpay na Naidaos sa Bayan ng Mexico ๐ŸŒพ

July 2, 2026
Ngayong Hulyo 1, 2026, matagumpay na isinagawa sa Mexico Mini Convention Center ang re-payout ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) para sa mga kwalipikadong magsasakang hindi nakatanggap ng kanilang ayuda noong unang payout na isinagawa noong Mayo 7, 2026.
Sa pamamagitan ng re-payout na ito, natiyak na ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay natanggap ang tulong pinansyal na inilaan ng pamahalaan bilang suporta sa kanilang kabuhayan at patuloy na pagbangon.
Ang gawaing ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na matiyak na walang kwalipikadong magsasaka ang maiiwan sa mga programang nakalaan para sa sektor ng agrikultura.
Mabuhay ang mga magsasakang Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒพ
Skip to content