Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

16TH YEAR ANNIVERSARY CELEBRATION | YOUTH FOR EL SHADDAI PAMPANGA 🔥

May 31, 2026

Dumalo at nakibahagi si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa pagdiriwang ng ika-16 na Taong Anibersaryo ng Youth for El Shaddai Pampanga na ginanap sa Mexico Mini Convention Center. Ang okasyong ito ay naging pagkakataon upang kilalanin ang patuloy na paglago ng isang organisasyong humuhubog sa kabataan sa pamamagitan ng pananampalataya, paglilingkod, at mabubuting pagpapahalaga.
Bilang patunay ng walang sawang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa mga makabuluhang gawain ng iba’t ibang sektor, patuloy na ipinagkakaloob nang libre ang paggamit ng Mexico Mini Convention Center para sa mga programang nagbibigay-inspirasyon at nagbubuklod sa komunidad. Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, nananatiling bukas ang mga pasilidad ng bayan para sa mga gawaing nagtataguyod ng pagkakaisa, pananampalataya, at positibong paghubog sa mamamayan.
Sa kanyang patuloy na pagsusulong ng mga programang para sa kabataan, binibigyang-halaga ni Mayor Ruding ang mga inisyatibang nagbibigay ng inspirasyon, pagkakataon, at tamang direksyon sa susunod na henerasyon. Ang kanyang pakikiisa sa mga gawaing tulad nito ay patunay ng hangarin na mapalakas ang mga kabataang may malasakit sa Diyos, sa kapwa, at sa bayan.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18kgKTQSsC/

Skip to content