174 MEXICANOS, NAKATANGGAP NG TULONG MEDIKAL AT BURIAL MULA SA MUNISIPYO
MEXICO, PAMPANGA — May kabuuang 174 Mexicanos ang nakatanggap ng tulong medikal at burial mula sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico ngayong araw ng Miyerkules, August 26, 2026 sa Mexico Mini Convention Center, bilang bahagi ng patuloy na serbisyong panlipunan sa ilalim ng pamumuno ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales.
Katuwang ni Mayor Ruding sa pagpapatupad ng mga programang ito si Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang buong Sangguniang Bayan. Nakiisa si Councilor Vince Balajadia sa isinagawang payout.
Ang financial assistance program ay bukas para sa lahat ng residenteng Mexicano na nangangailangan ng tulong para sa gastusing medikal o burial, alinsunod sa mga kinakailangang dokumento at proseso ng lokal na pamahalaan.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Mayor Ruding na ang pondo ng munisipyo ay gagamitin nang wasto, maingat at para sa kapakinabangan ng mga Mexicano. Aniya, ang pondo ng lokal na pamahalaan ay dapat na maibalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga serbisyong kailangan nila at mga programang may direktang pakinabang sa komunidad.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, katuwang si Vice Mayor Doc Pangan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, nananatiling prayoridad ang paghahatid ng serbisyong bukas para sa lahat at nakatuon sa kapakanan ng bawat pamilyang Mexicano.