Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

kahalagahan ng pananatiling mapagkumbaba

May 28, 2026

Nagpaalala si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa kahalagahan ng pananatiling mapagkumbaba sa gitna ng anumang tagumpay o katungkulan. Ayon sa kanyang mensahe, ang anumang posisyon sa buhay ay pansamantala lamang kaya’t mahalagang manatiling nasa ibaba, may disiplina sa sarili, at may malasakit sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.
Sa kanyang pamumuno, patuloy niyang ipinapakita ang kahalagahan ng serbisyo na nakaugat sa simpleng pamumuhay at bukas na pakikinig sa mga Mexicano. Binigyang-diin din ni Mayor Ruding ang mas matibay na gabay sa buhay na hindi nagbabago, ang patnubay ng mga salita ng Diyos na nagsisilbing pundasyon ng wastong pagdedesisyon at tamang pamumuno.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/r/18BftZx6kM/

Skip to content