Dalawampung benepisyaryo ang nakatanggap ng PHP 15,000 dagdag na puhunan para sa kanilang kabuhayan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD. Naisakatuparan ito sa tulong at inisyatiba ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico sa pamumuno ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, katuwang ang DSWD Field Office III sa pamumuno ni Regional Director Venus Rebuldela, na naglaan ng pondo para sa programa.
Kasama rin sa pagpapatupad ng nasabing programa si MSWDO Sharmaine Sigua at ang kanyang tanggapan.
Nauna nang nakatanggap ng payout ang 49 na benepisyaryo sa kaparehong programa nitong unang bahagi ng taon at inaasahang mas marami pang makikinabang sa mga susunod na buwan, patunay na ang Serbisyong May Puso ni Mayor Ruding ay patuloy na nararamdaman ng mga mamamayang Mexicano.


CLICK FOR MORE:
https://www.facebook.com/share/p/19wqV63Uvg/