Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

2025 PRAISE AWARDS AND GENERAL ASSEMBLY NG DOLE

December 23, 2025

Dumalo si Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa 2025 PRAISE Awards and General Assembly ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region III, kung saan mainit siyang tinanggap ni Regional Director Geraldine M. Panlilio kasama ang iba pang opisyal ng ahensya.
Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ng DOLE Pampanga, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Mexico na nagkaloob ng venue sa Mexico Mini-Convention Center. Nagbigay rin ng saya si Mayor Ruding upang maging mas makabuluhan at masigla ang selebrasyon para sa mga kawani ng ahensya.
Sa kanyang pagdalo, ipinakita ni Mayor Ruding ang patuloy na pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Mexico sa mga programa ng DOLE na nagtataguyod ng kapakanan ng mga manggagawa at kawani ng pamahalaan. Ang okasyon ay nagsilbing pagkilala sa mga natatanging kontribusyon at sama-samang tagumpay ng mga lingkod-bayan sa rehiyon, kasabay ng pagbabahagi ng diwa ng Pasko at pagsalubong sa bagong taon.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1DKxGWpMjU/

Skip to content