2,389 Mexicanos, nakatanggap ng DOLE-TUPAD Payout
Sa inisyatiba ng Team DBM sa pangunguna ni Board Member Mica Gonzales, kasama si Mayor Ruding Gonzales, 2,389 na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nakatanggap ng kanilang PHP 5,000 payout ngayong araw ng Sabado, ika-10 ng Agosto, sa Villa Aurelio Extension, Anao, Mexico, Pampanga.
Dumalo sa payout sina Councilor Atty. Angela Pangan at Councilor Allan Onofre kasama si Municipal Administrator Dr. Jonathan Pangan. Naroon rin ang ilang kaibigan ng alkalde na sina Former Councilor Junjun Punzalan, Mr. Bunny Bautista, Mr. Monico Cao at ilang mga kapitan at kagawad ng iba’t-ibang barangay upang magbigay suporta sa payout.
Ang halagang PHP 5,000 ay kabayaran para sa sampung araw na pagtatrabaho ng mga benepisyaryo sa ilalim ng programang TUPAD ng DOLE.
Ang programang DOLE-TUPAD ay hindi lamang nagbibigay ng pansamantalang kabuhayan, kundi isa ring simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan ng Mexico.
#IngBayungMexico
#SerbisyungAtinPusu