Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

3,228 MAG AARAL SA KOLEHIYO , NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE NGAYONG ARAW BILANG BAHAGI NG BATCH 1&2

December 20, 2025

Patuloy ang paghahatid ng tulong sa edukasyon sa pamumuno ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales. Matagumpay na ring nakatanggap ngayong hapon ang Batch 2 ng College Educational Assistance na binubuo ng 1,538 benepisyaryo, bilang bahagi ng mas pinalawak na programa ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico.
Sa kabuuan, 3,228 na mag-aaral na ang nabigyan ng tulong ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Ruding, kasama sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Bukas, inaasahang matatapos ang payout para sa Batch 3 at Batch 4, na may kabuuang 2,712 benepisyaryo, upang masigurong walang maiiwan at agarang maibalik sa mga Mexicano ang pondo ng bayan sa anyo ng konkretong suporta sa edukasyon.
Isang malinaw na patunay ito ng malasakit at paninindigan ng pamahalaang lokal na gawing prayoridad ang kinabukasan ng kabataang Mexicano.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1FfjJfvkiD/

Skip to content