Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

45 Mexicano, Nakatanggap ng Tulong Pinansyal para sa Medical at Burial Expenses

July 30, 2026

Patuloy na Pinalalawak ng Pamahalaang Lokal ang Serbisyong may Malasakit para sa mga Nangangailangan

Sa pangunguna ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, patuloy na pinalalawak ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng Financial Assistance Program, kung saan 45 Mexicano ang tumanggap ng tulong pinansyal para sa kanilang burial at medical expenses.

Kasama ni Mayor Ruding sa payout sina Councilor Engr. Tristar Sotto at Councilor Vince Balajadia.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Mayor Ruding sa Sangguniang Bayan, sa pangunguna ni Vice Mayor Doc Pangan, sa patuloy na suporta sa mga programang isinusulong ng kanyang administrasyon, kabilang ang Financial Assistance Program na naglalayong makapagbigay ng agarang tulong sa mga Mexicano sa oras ng kanilang pangangailangan.

Binigyang-diin din ng alkalde na ang Office of the Mayor ay nananatiling bukas para sa lahat. Aniya, hindi na kailangan ng padrino upang makalapit at makahingi ng tulong, sapagkat ang bawat Mexicano ay may pantay na pagkakataong mapaglingkuran at makatanggap ng kinakailangang tulong mula sa kanilang pamahalaang lokal.

Ang patuloy na pagpapatupad ng Financial Assistance Program ay sumasalamin sa hangarin ni Mayor Ruding na gawing mas madaling maabot ng bawat Mexicano ang mga serbisyong tunay na makatutulong sa panahon ng pangangailangan. Sa pamamagitan ng mga programang may direktang pakinabang sa mamamayan, patuloy na isinusulong ng kanyang administrasyon ang isang pamahalaang kumikilos nang may puso, malasakit, at konkretong aksyon.

#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DRmuR4xhq/

Skip to content