Bumisita sa opisina ni Mayor Ruding Gonzales para sa isang courtesy visit si Ms. Sunshine R. Quiambao, ang kinatawan ng Pampanga sa Regional Search for Exemplary Children para sa Calendar Year 2024.
Si Sunshine, 14 na taong gulang at mula sa Barangay Pandacaqui, ay nagpakita ng natatanging husay na nagdala sa kanya ng unang pwesto mula sa 15 kalahok sa ginanap na Provincial Search noong Agosto 22, 2024.
Kasama niya sa kanyang courtesy call sina Mr. Mark Laurence Valencia, 4Ps Team Leader ng Mexico, at MSWDO Ms. Sharmaine Pabustan-Sigua.
Nagpahayag naman ng buong suporta si Mayor Ruding kay Sunshine, at tiniyak na nakaalalay ang lokal na pamahalaan sa kanyang nalalapit na kompetisyon.
#IngBayungMexico
#SerbisyungAtinPusu