ABALANG LUNES PARA KAY MAYOR RUDING, SERBISYO SA BAWAT SEKTOR TULOY-TULOY
Mula sa mga pagpupulong at courtesy calls, hanggang sa personal na pag-abot ng cash incentives sa mga nagtapos nang may Latin Honors, naging abala ang araw ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales nitong Lunes, June 22, 2026.
Tinanggap din niya ang mga pahabol na birthday greetings mula sa iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan at naglaan ng oras para sa mga Mexicano na nagtungo sa kanyang tanggapan upang makahingi ng tulong medikal at pang-burial.
Ipinapakita nito na sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, patuloy ang pagtutok ng lokal na pamahalaan sa edukasyon, pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor, at direktang paghahatid ng serbisyo sa mga Mexicano.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BJPFNwQvW/





