Sa direktiba ni
Mayor Ruding Santos Gonzales, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Municipality of Mexico ngayong Biyernes, August 7, 2026.
Saklaw ng suspensyon ang face-to-face, online, at iba pang learning modalities. Kasama rin sa suspensyon ang pagpasok ng teaching at non-teaching personnel.
Ipinatutupad ang hakbang na ito dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Maymay. Layunin nitong mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral at lahat ng kawani ng mga paaralan.
Pinapayuhan ang lahat na manatili sa ligtas na lugar at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng Municipality of Mexico at mga kinauukulang ahensya.
Ibayong pag-iingat po sa ating lahat.
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1ahCLPbXmn/