Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 ng Malacañang, ipatutupad sa Pampanga, kabilang ang Bayan ng Mexico, ang angkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan, bukas, August 18, 2026.
Samantala, ayon sa kaparehong memorandum circular, ipatutupad din ang alternative learning modes para sa lahat ng levels sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan.
Sa ating lokal na pamahalaan, patuloy namang magbibigay ng serbisyo ang mga tanggapang may kinalaman sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang vital services.
Ang nasabing hakbang ay kaugnay ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Mag-iingat po tayong lahat