Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 ng Malacañang, ipatutupad bukas, August 20, 2026, ang angkop na alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Pampanga, kabilang ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico (skeletal workforce).
Ito na ang ikatlong magkakasunod na araw ng pagpapatupad ng naturang hakbang dahil sa patuloy na epekto ng Habagat.
Patuloy namang magbibigay ng kinakailangang serbisyo ang mga tanggapan na kabilang sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang vital services.
Patuloy tayong mag-ingat at manatiling alerto, mga Mexicanos.