Ang Pamahalaang Barangay San Rafael
𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 | 🚜🌊
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay San Rafael, sa pangunguna ni Punong Barangay Frida Galang at ng mga Kagawad, kay Mayor Rodencio Gonzales sa pagpapahiram ng backhoe na ginamit sa desilting at paglilinis ng San Rafael Creek.
Malaki ang naitulong ng naturang kagamitan upang mapabilis ang pagtanggal ng putik at iba pang bara sa creek, na mahalaga sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng tubig at sa pag-iwas sa pagbaha sa ating komunidad.
Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at barangay para sa kaligtasan, kalinisan, at kapakanan ng mamamayan.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at malasakit para sa Barangay San Rafael. 💙🇵🇭
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/14bd3YBGVcf/









