ANGGANG ATIU KU KENG TUNGKULAN, ISADSAD DA KAYU. – MAYOR RSG
Sa pamumuno ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, 1,645 na mag-aaral sa kolehiyo ang tumanggap ngayong araw ng College Educational Assistance bilang bahagi ng Batch 1 ng programa ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico. Ang payout ay pinangunahan ni Mayor Ruding kasama sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Nakatakdang tumanggap din ng kanilang payout ang mga benepisyaryo mula Batch 2 hanggang Batch 4 ngayong hapon hanggang bukas, upang masigurong agad na maihatid ang tulong sa mga mag-aaral.
Malinaw ang pagpapalawak ng programa ngayong taon dahil mula 4,228 na benepisyaryo noong nakaraang taon [2024] ay umakyat ito sa 5,940 matapos itaas ng administrasyon ni Mayor Ruding, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doc Pangan, ang budget mula ₱11 milyon tungong ₱15 milyon.
Ayon kay Mayor Ruding, inaasahang aabot sa ₱25 milyon ang pondo sa susunod na taon upang tuluyang mapagkalooban ng tulong ang lahat ng mag-aaral sa kolehiyo sa Bayan ng Mexico, patunay ng patuloy na paninindigan ng kanyang pamahalaan na ibalik ang pondo ng bayan sa mga Mexicano sa anyo ng konkretong serbisyo sa edukasyon.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1GXt5d84tF/




