Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

ANNUAL YEAR END WELFARE AND APPRECIATION PROGRAM FOR MEXICO PERSONS WITH DISSABILITIES

December 16, 2025

Naghatid ng mensaheng Pamasko si Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa Annual Year-End Welfare and Appreciation Program for Mexico Persons with Disabilities na inorganisa ng Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) ng Pamahalaang Bayan ng Mexico, Pampanga.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde ang diwa ng pag-asa at malasakit para sa sektor ng Persons with Disabilities (PWDs). Ipinahayag din niya ang panukalang Mexico Center for Children with Autism and Special Needs, isang proyekto ng lokal na pamahalaan sa kanyang pamumuno na inaasahang magsisimulang maghatid ng mga serbisyo sa susunod na taon bilang bahagi ng layunin nitong palakasin ang inklusibong mga programa para sa PWDs.
Muling tiniyak ni Mayor Ruding Gonzales ang patuloy na suporta ng pamahalaang bayan sa kapakanan at dignidad ng mga PWD ng Mexico.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1DRv5TU6uR/

Skip to content