Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

ARANGKADA SA BARANGAY, ARANGKADA SA NGITI – BAYUNG MEXICO DENTAL MISSION SCHEDULE!

June 23, 2026

Patuloy na inilalapit ng Bayung Mexico Dental Mission ang serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay sa bayan ng Mexico. Batay sa isinagawang survey, itinakda ang mga susunod na barangay na bibisitahin upang maghatid ng libreng konsultasyon, bunot ng ngipin, at iba pang serbisyong dental para sa mga mamamayan.

Narito ang iskedyul ng pagbisita:

📍 June 24, 2026 – Barangay Pandacaqui – RHU (7AM – 10AM)
📍 July 1, 2026 – Barangay San Patricio (7AM – 10AM)
📍 July 8, 2026 – Barangay Sto. Rosario (7AM – 10AM)
📍 July 15, 2026 – Barangay Sapang Maisac (7AM – 10AM)
📍 July 22, 2026 – Barangay San Jose Matulid (7AM – 10AM)

Isinasagawa ang programang ito sa pangunguna ni Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, katuwang si Mayor Rodencio S. Gonzales, bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Mexicano. Layunin nitong mailapit sa bawat barangay ang de-kalidad na serbisyong dental. Ito ang patunay ng #BestDuo ng Bayung Mexico na tapat sa pangakong maghatid ng tunay at taos-pusong serbisyo para sa bawat Mexicano.

Hinihikayat ang lahat ng Mexicano sa mga nasabing barangay na makiisa at samantalahin ang programang ito.

#TatakViceMayorDocPangan
#TapatAtSubukKingSerbisyu
#RSGCares
#BayungMexico

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18r7A6Jrxb/

Skip to content