Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

ARAW NG KAGITINGAN: MAYOR RSG NANAWAGAN NG BAYANIHAN SA GITNA NG KRISIS

April 9, 2026

Sa paggunita ng Araw ng Kagitingan, pinangunahan ni Mexico Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang pag-aalay ng bulaklak kay Remedios Gomez-Paraiso o Kumander Liwayway sa Barangay Anao, ngayong araw, bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ayon kay Gonzales layon ng aktibidad na buhayin ang diwa ng bayanihan at magsilbing inspirasyon sa kanyang mga kababayan, lalo na sa gitna ng kasalukuyang krisis.
Dagdag pa ng alkalde, patuloy ang hakbang ng pamahalaang bayan upang tulungan ang mga sektor na pinakaapektado, kabilang ang mga planong ayuda at serbisyong panlipunan upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1CeXZLukLj/

Skip to content