Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time: 20 June 2024, 09:07 PM

Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)

February 16, 2024

Aabot sa 666 na Mexicanos ang nakatanggap ng PHP 3,000 na nagmula sa inisyatibo ni Senator Imee R. Marcos sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes, Pebrero 15 sa SM City Pampanga Event Center.
Dinaluhan ito ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales at Sangguniang Bayan member Councilor Atty. Angela Pangan.
Sa mensahe ni Mayor Gonzales, nagpasalamat siya kay Sen. Marcos sa pinaabot niyang tulong at sinabi niyang bukas ang kaniyang opisina sa anumang tulong na maaaring niyang maibigay sa mga Mexicanos. Ipinahayag rin niya sa taumbayan na magkakaroon na ng sariling pagdadausang lugar sa mga aktibidad ang munisipyo dahil malapit nang umpisahan ang pagawa sa Mini-Convention Center ng bayan ng Mexico.

Skip to content