ATM: Nakibahagi si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa pagpupulong na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
August 24, 2026
ATM: Nakibahagi si Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales sa pagpupulong na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama sina Acting Executive Secretary Ralph Recto, DPWH Secretary Vince Dizon, Governor Lilia Pineda, Vice Governor Dennis Pineda, at mga alkalde mula sa iba’t ibang bayan ng Pampanga.
Tinalakay ang kalagayan ng mga komunidad na apektado ng pagbaha at ang mga kinakailangang hakbang upang mas mapabuti ang flood management at pagtugon sa mga ganitong sitwasyon.
Patuloy ang koordinasyon ng Pamahalaang Bayan ng Mexico, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, sa provincial at national government para sa mas ligtas, mas handa, at mas matatag na bayan ng Mexico.