BAGONG ACTING CHIEF NG MEXICO MPS, NAGBIGAY RESPETO SA KANYANG PAGBISITA KAY MAYOR RUDING
OFFICE OF THE MAYOR — Isang courtesy visit ang isinagawa ni PLTCOL Julius Javier, Acting Chief of Police ng Mexico Municipal Police Station (MPS), kay Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, kasama ang papalitang Chief of Police na si PLTCOL Pearl Joy Gollayan, na kamakailan ay itinalaga bilang Acting Chief of Police ng Lungsod ng San Fernando.
Sa naturang pagbisita, ipinahayag ni PLTCOL Javier ang kanyang hangaring ipagpatuloy ang mahusay at tapat na serbisyo publiko na naitatag sa pamumuno ni PLTCOL Gollayan sa bayan ng Mexico. Muling iginiit ng bagong hepe ng pulisya ang kanyang kahandaang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa administrasyon ng alkalde upang higit pang mapatatag ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Nagpaalam at nagpasalamat naman si PLTCOL Gollayan kay Mayor Ruding at sa Pamahalaang Bayan ng Mexico sa patuloy na suporta at magandang ugnayan sa panahon ng kanyang panunungkulan. Ipinahayag din niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa tiwala at pakikiisa ng lokal na pamahalaan ng Mexico.
Malugod namang tinanggap ni Mayor Ruding ang bagong pamunuan ng Mexico MPS at tiniyak ang kanyang buong suporta sa pamumuno ni PLTCOL Javier at sa buong hanay ng kapulisan. Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng Philippine National Police upang masiguro ang kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng bawat Mexicano, kasabay ng patuloy na pagsuporta ng kanyang administrasyon sa mga programang naglalayong maghatid ng mahusay at makataong serbisyo publiko.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico









Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BQrtFedRv/