Nanumpa ngayong araw, Nobyembre 24, 2025, kay Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si Melbie Gozun bilang bagong Barangay Kagawad ng San Jose Malino at kapalit ni Kagawad Renel Quiambao.
Batay sa desisyon ng COMELEC, si Gozun ang opisyal na pampito sa talaan ng mga nanalo noong 2023 elections, habang pang-walo naman si Quiambao, kaya’t isinagawa ang pormal na pagpapalitan ng posisyon.
Nagsilbing mga saksi sa panunumpa sina Municipal Administrator Engr. Nestor Pineda, Election Officer Leonelle Yalung, MLGOO Consesa Novio at ang asawa ni Gozun.
Tiniyak ni Mayor Ruding ang suporta ng kanyang administrasyon at ang lokal na pamahalaan sa maayos na pagganap ni Gozun sa natitirang bahagi ng kanyang termino.


CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1MMDg9Xi6c/