Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

BAGONG KAGAWAD NG BRGY. LAGUNDI, PORMAL NA NANUMPA SA TUNGKULIN

June 3, 2026

Pormal na nanumpa sa harap ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si Jesus M. Carlos ng Barangay Lagundi bilang bagong itinalagang Kagawad ng nasabing barangay.
Si Carlos ay itinalaga upang punan ang bakanteng posisyon na naiwan ng yumaong kagawad ng barangay. Ang kanyang paghirang ay alinsunod sa Barangay Resolution na ipinasa at inaprubahan ng Sangguniang Barangay ng Lagundi upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa kanilang barangay.
Naging saksi sa panunumpa sina MLGOO Consesa Novio, Acting Barangay Captain Maya Padre, gayundin ang mga kapamilya, kaibigan, at iba pang dumalo sa nasabing seremonya.
Patunay ang panunumpang ito sa patuloy na suporta ng administrasyon ni Mayor Ruding sa pagpapalakas ng lokal na pamamahala at sa pagtiyak na nananatiling kumpleto at handang maglingkod ang bawat barangay sa bayan ng Mexico. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nananatiling prayoridad ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga barangay upang higit na mapalapit at mapahusay ang serbisyo para sa bawat Mexicano.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/17eY5DYcUB/

Skip to content