BAGONG KAGAWAD NG BRGY. PANIPUAN, PORMAL NA NANUMPA SA TUNGKULIN
https://www.mexicopampanga.gov.ph/wp-content/plugins/photo-gallery/images/tw-gb/shortcode_new.jpg
Pormal na nanumpa sa harap ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si Ms. Claire D. Sunga ng Barangay Panipuan bilang bagong itinalagang Kagawad ng nasabing barangay.
Si Ms. Sunga ay itinalaga upang punan ang bakanteng posisyon na naiwan ng yumaong kagawad ng barangay. Ang kanyang paghirang ay alinsunod sa Barangay Resolution na ipinasa at inaprubahan ng Sangguniang Barangay ng Panipuan upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo sa kanilang barangay.
Naging saksi sa panunumpa sina Vice Mayor Dr. Jonathan R. Pangan, Councilor Vince Balajadia, Councilor Allaine Ramos, Barangay Chairman Gerard John Santos, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay ng Panipuan, gayundin ang pamilya ni Ms. Sunga at iba pang dumalo sa seremonya.
Patunay ang panunumpang ito sa patuloy na suporta ng administrasyon ni Mayor Ruding sa pagpapalakas ng lokal na pamamahala at sa pagtiyak na nananatiling kumpleto at handang maglingkod ang bawat barangay sa Bayan ng Mexico. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nananatiling prayoridad ang maayos na koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga barangay upang higit pang mapalapit at mapahusay ang serbisyo para sa bawat Mexicano.
#RSGCares
#SerbisyungAtinPusu
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1KCxBP2NJ2/