Skip to main content
GOV.PH  |  Philippine Standard Time:

BAGONG MGA HEAVY EQUIPMENT, INAASAHANG MAS PALALAKASIN ANG SERBISYONG PUBLIKO NG LOKAL NA PAMAHALAAN SA PAMUMUNO NI MAYOR RUDING GONZALES

December 15, 2025

MEXICO, PAMPANGA — Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang blessing sa mga bagong biling heavy equipment ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng munisipyo sa paghahatid ng episyente at de-kalidad na serbisyong publiko.
Kabilang sa mga bagong equipment ang isang boom truck, isang lowbed truck, at dalawang garbage trucks, na inaasahang malaking tulong sa mga proyekto ng imprastruktura, disaster response, at solid waste management ng bayan. Ang seremonya ng blessing ay pinangunahan ni Rev. Fr. Rafael Zedec M. Paras, Parish Priest ng Santa Monica Parish.
Kasama ni Mayor Ruding sa nasabing aktibidad sina Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan, Municipal Administrator Engr. Nestor S. Pineda, at iba pang department heads ng munisipyo, na nagpapatunay sa pagkakaisa ng lokal na pamahalaan sa layuning higit pang mapabuti ang serbisyo para sa mamamayang Mexicano.
Ang pagbili ng mga heavy equipment ay patunay ng mahusay na pamumuno at malinaw na direksyon ng administrasyon ni Mayor Ruding Gonzales, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Doc Pangan, sa patuloy na pagpapaunlad ng kakayahan ng LGU na tumugon sa pangangailangan ng komunidad.
Inaasahan ding darating sa mga susunod na araw ang dalawang backhoe na binili rin ng munisipyo, bilang karagdagang hakbang sa pagpapatatag ng imprastruktura at serbisyong pangkalamidad ng Mexico.
Sa pamumuno ni Mayor Ruding Gonzales, patuloy ang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico na maghatid ng serbisyong tapat, mabilis, may malasakit at puso para sa bawat Mexicano.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Mb9dAvDKh/

Skip to content