BAGONG NLEX MEXICO EXIT MASTER PLAN
August 7, 2026
Nagpatawag ng isang coordination meeting ang Lokal na Pamahalaan ng Mexico nitong Huwebes, August 6 upang talakayin ang panukalang NLEX Mexico Interchange Reconfiguration Project.
Pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales at Vice Mayor Dr. Jonathan Pangan ang pulong na dinaluhan ng mga kinatawan ng NLEX Corporation, Pampanga Chamber of Commerce, Pampanga Business Circle, Department of Public Works and Highways (DPWH), Barangay Officials at iba pang stakeholder.
Dumalo rin si dating Third District Representative at Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., gayundin sina Councilor Engr. Tristar Sotto at Coun. Vince Balajadia.
Humingi ang LGU ng update ukol sa proyekto habang naglatag ng kanilang concerns at suhestiyon ang mga stakeholder.
Napagalaman sa pulong na panukalang pagtatayo ng bagong NLEX Toll Exit ay posibleng abutin pa ng dalawang taon bago masimulan.
Inilatag din ang isang masterplan para sa pagpapabuti ng road connectivity sa paligid ng nasabing nlex interchange upang mapagaan ang daloy ng trapiko na sa ngayon ay madalas na nagsisikip tuwint rush hour.
Pinag-aaralan din umano ang pagbubukas ng bagong kalsada sa Mexico side ng NLEX para magkaroon ng access sa iba pang mga barangay at sa mismong sentro ng bayan.
Nagpahayag naman ng suporta si dating Cong. Gonzales sa inilatag na plano at ipapaabot umano ang mga napag-usapang kay Rep. Mica Gonzales upang masusugan ang nasabing proyekto.
via Jenna Lumbang-Parungao
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1AapMyLSqq/