BAGONG SCHOOL HEAD NG SJHS, NAG-COURTESY VISIT KAY MAYOR RUDING; SUPORTA SA EDUKASYON, PINATIBAY
Nagbigay ng courtesy visit kay Municipal Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales si Mr. Naszer Yco, ang bagong School Head ng San Juan High School (SJHS), ngayong Lunes, June 8, 2026.
Sa kanilang maikling pag-uusap, muling ipinahayag ni Mayor Ruding ang kanyang patuloy na suporta sa mga programang pang-edukasyon at mga inisyatibang naglalayong mapabuti ang kalidad ng pagkatuto ng mga kabataang Mexicano. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng matibay na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga institusyong pang-edukasyon upang higit pang mapaunlad ang sektor ng edukasyon sa bayan.
Kasama ni Mr. Yco sa courtesy visit sina Mr. Redison Rivera, OIC-Assistant Principal for Senior High School, at Mr. Eliezer Sagcal, Head Teacher III sa TLE ng SJHS.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ruding, nananatiling prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang pagsusulong ng mga programang makatutulong sa paghubog ng mas mahusay at mas handang susunod na henerasyon ng mga Mexicano.
#RSGCares
#BayungMexico
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/17uYm8kqTG/


