Tumanggap ng ₱25,000 insentibo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Mexico ang Women’s Basketball Team ng Diosdado Macapagal High School bilang pagkilala sa kanilang tagumpay at karangalan na dinala sa bayan.
Nakamit ng koponan ang gintong medalya sa PASDAM at bronze medal naman sa CLRAA, patunay ng kanilang husay at determinasyon sa larangan ng palakasan.
Ang insentibo ay personal na iginawad ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales, bilang suporta at pagkilala sa mga kabataang Mexicano na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng kanilang talento at dedikasyon.


CLICK FOR MORE:
https://www.facebook.com/share/p/1HcmL43dX8/