Binisita ni Municipal Mayor Rodencio “Ruding” Gonzales ang mga newly-elected barangay officials ng munisipalidad na sumailalim sa Barangay Newly-Elected Officials (BNEO) Orientation Program Towards Grassroots Renewal and Empowerment For Accountable and Transparent (GREAT) sa Maharajah Hotel nitong Huwebes, Pebrero 29.
Kasama ni Mayor Ruding sina Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Rita P. Gotiangco, Sangguniang Bayan member, Allan P. Onofre at SB Secretary Dr. Jonathan Pangan.
Sa mensahe ni Hon. Gonzales, inilahad niya ang kaniyang mga proyekto kabilang ang magiging rehabilitasyon sa Mexico public market, pagpapatayo sa Mini-Convention Center, at improvement ng Mexico Community Hospital. Dagdag pa ni Mayor Ruding sa mga barangay officials na bukas ang kaniyang opisina sa anumang tulong na kanilang kakailanganin sa hinaharap.