Barangay San Lorenzo Bridge
August 29, 2026
Ito po ang naging sitwasyon kahapon sa Barangay San Lorenzo Bridge matapos ang walang tigil na pag-ulan dulot ng Habagat.
Dahil sa pagtaas ng tubig at pagbara ng mga basura sa tulay, umapaw ang tubig at basura patungo sa mismong Barangay San Lorenzo at maging sa kalapit na Barangay San Antonio.
Kaagad na ipinag-utos ni Mayor Ruding Gonzales, katuwang si Vice Mayor Doc Pangan at ang buong Sangguniang Bayan, ang clearing operation upang alisin ang mga basurang bumabara sa tulay at makatulong sa pagdaloy ng tubig.
Sa ngayon, medyo humupa na po ang tubig sa lugar.
Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling alerto. Manalangin po tayo na tuluyan nang huminto ang ulan, ngunit maging handa pa rin sakaling kailanganing lumikas.
Unahin po natin ang ating kaligtasan 
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19FDUAwssw/
Latest Stories
LIVE GAME 1 TO 4 | Another night of exciting U19 basketball is here! Three matchups are on the slate, with six teams ready to compete, make their mark, and battle until the final buzzer. The road continues, and every game brings a new opportunity to shine.
08 October 2026
Mahal ni Mayor Ruding ang bawat Mexicano.
08 October 2026