
BAYAN NG MEXICO na hinirang bilang BEST PROJECT IMPLEMENTER
WAGI TAYO, CABALEN!
Ginanap noong Disyembre 16-17, 2021 via virtual ceremony ang paghirang sa mga mahuhusay na Lokal na Pamahaalan sa pagpapatupad ng kanilang mga proyektong pinondohan ng DILG Pampanga.
Sa pangunguna ng epektibo at mahusay na liderato ni Mayor Teddy C. Tumang, ang bayan ng Mexico ay nakapag-uwi ng mga parangal.
Sa kategoryang Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (DRRAP) ngayong 2021, isa ang BAYAN NG MEXICO na hinirang bilang BEST PROJECT IMPLEMENTER.
Ginawaran namang 2nd Best Performing LGU ang Mexico sa mabilisang pag-update ng SubayBAYAN Portal.
Samantala, ang Mexico DILG Officer naman na si LGOO VI Rita P. Gotiangco ay pinarangalan bilang 4th Best Field Officer na sumasalamin sa kanyang dedikasyon at lugod sa sinumpaang tungkulin.
Ang aktibidades na ito ay taong-taong isinasagawa ng DILG Pampanga upang kilalanin ang mga mahuhusay na pagpapatupad ng proyekto ng mga Lokal na Pamahalaan na nakatutulong sa ikabubuti ng mamamayan at ikauunlad ng bayan.
#WagikaMEXICO